Mabilisang Teknolohiya o Kultura? Pumili Ka!
Kultura ang pinaka importante mang impluwensya sa lahat. Tignan mo ang iyong kapaligiran, kahit saan ka man sa mundo. Mas marami nang mensahe kaysa dati, ngunit walang nakakapukaw sa diwa. Walang nagtatagal, ang sining ay wala nang kahulugan, at lahat ay kilos na lamang para sa salapi. Ang patuloy na tema ng pagiging negatibo ay nagbabadya sa lahat na parang isang mabigat na ulap. Meron na tayong mga problema sa mental at pisikal na kalusugan na hindi sukat akalaing posible pala. Saan na ang paniniwala para sa mas mabuting kinabukasan? Saan ang kultura na ating inspirasyon?
Simula’t sapul mayroon nang negatibong impluwensya ang kapital sa ating kultura. Ang pagiging maibigin sa salapi ay hindi makakagawa ng mataas na uri ng sining. Hindi tayo ginagawang mas magaling ng salapi. Pero daang libong taon na ang itinagal ng salapi; kung ano tayo ngayong namumuhay ay tila bago lamang. Ang kultura natin ay isang bangkay na buhay: walang kahulugan, walang layunin, walang kabuhay-buhay, halos hindi makatayo sa pamamagitan lamang ng pagpapasigla sa luwalhati ng nakaraan. Kulturang hindi nakapagbibigay ng inspirasyon sa mga tao upang bumangon sa kama ngayon, lalo pa kung sa pagbuo ng mas maliwanag na kinabukasan. Mabilis na teknolohiya ang pumatay sa kultura, na siya ring lumilikha ng mga pagganyak na nagdadala sa atin sa pagkasira. Bago lamang na bilang ng mga insentibo, bagong porma ng teknolohiya, at isang bagong kultura ang magliligtas sa atin.
Ang mabilisang teknolohiya ay ang kahit anong teknolohiya na ang layunin ay panatilihin ka sa pagkonsumo. Ngayon, halos lahat ng teknolohiya ay mabilisang teknolohiya, nangangahulugan na lahat ay nalilikha para sa isang sandali. Isang sandali na naggaganyak ng “content” na negatibo, puro reaksyon, nagpapasiklab, kalimotlimot. Ang solusyon ay pabagalin ang mga bagay, at lumikha ng mga bagay na magtatagal magpakailanman.
Ang pinakamainam na sining ay ginawa upang magtagal nang walang hanggan. Ang gawa ng isang manlilikha na ibinuhos ang kanilang puso, kaluluwa, at pagkahenyo tungo sa isang gawa na totoong ipinaparating kung ano ang kanilang gustong sabihin. Gawa kung saan ang mga tao ay may ipagmamalaki sa pagpirma rito, sa kabuuan ng kanilang mga buhay at sa kabilang ibayo pa. Gawa na may oras at konteksto na maglakas loob upang maging magaling; gawang pinukaw sa pamamagitan ng mithiin. Gawa na hindi kailangan makipagtagisan sa mga mabilisang kuha ng palakasan at patalastas para lamang sa atensyon.
Kailangan natin ng isang bagong kultura na ipinapagdiwang ang magpakailanman: isang nagpapakita ng magandang repleksyon sa mundo, nagpapasigla sa atin tungo sa mas mataas na mga ambisyon, at POSITIBO. Ang walang katapusang gusot, walang makitang hangganan sa pagiging negatibo, ay hindi paraan upang paginhawahin ang kaluluwa ng mga namumuhay sa isang sirang mundo.